every minute ata na lumilipas, tinitignan ko yung cellphone ko kung nagreply ka na or what. kasalanan ko naman na mga after 1-2 hours ko na napansin na hindi pala nasend yung reply ko sayo pero sana magreply ka na. kasalanan ko din naman bakit ako naghihintay ng reply mo, eh hindi ka naman obligadong reply-an ako pero hindi ko mapigilan eh.
ito ang masama pag nasanay eh. nasanay akong kausap ka. Pag kagising ko, may text na galing sayo dahil mas nauuna ka lagi nagigising. Minsan, may kasama pang sorry yun dahil una kang nakatulog. Kahit simpleng bagay, pinag-uusapan natin. :|
Ito yung isa sa mga ayaw ko eh, yung nasasanay ako. Kasi pag nasanay na ako, hahanap hanapin ko na pag nawala. At ang higit sa lahat, mahirap kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko sa ibang pang mga bagay :|
Nagsabi na ako eh before, I’m never gonna be this close to someone again. Pero wala, ito na naman ako.