nakakainis yung time na narealize mo bigla na masyado ka nang dependent sa isang tao. hindi yung tipong bago ka makagawa ng isang bagay eh andyan siya. Kaya mong gumawa at kumilos ng wala siya. pero yung tipong kapag hindi mo lang siya makausap ng almost the whole day, parang may kulang sayo. mabuti kung hindi kayo nag-usap for the day, nag-usap naman kayo, pero parang may kulang parin. OA man para sayo yun, pero ganun talaga.
ito pa yung masaklap eh. dati, okay na sayo. as in kahit lumipas na ang 2 araw na hindi kayo magkausap. normal lang. pero parang napapansin mo, ngayon parang hindi na. eh isa pa naman sa mga pinaka ayaw mo eh yung nagiging dependent ka in any way sa isang tao.
tapos to make things worse, napapansin mo rin na kahit papano, nagiging dependent siya sayo sa ibang bagay. kaya lang, ang masaklap, mas dependent ka sa kanya kaysa siya sayo. kasi siya, kaibigan lang ang tingin sayo, pero ikaw, kahit anong pilit mong magmove on at kalimutan siya or tanggalin yung pagkakagusto mo sa kanya, walang use.